Ang Tsaa

RICH VAMPIRE: Oorder ako ng fresh blood.

ORDINARY VAMPIRE: Sa akin isang order na dinuguan.

POOR VAMPIRE: Hot water na lang sa akin.

WAITER: Bakit hot water lang po.?

POOR VAMPIRE: Nakapulot kasi ako ng napkin sa kanto. Mag-tsa tsaa na lang ako... Hahaha!

Annulment

Isang magasawa ang dumulog sa korte para magpaannul.

Judge: Ano ang dahilan para kayo magpaannul?

Babae: (Nagsalita habang nakayuko) Your honor, katawan lang ang gusto niya sa akin.

Judge: Anong pruyba mo?

Babae: (Nakayuko pa rin) Tuwing nag love making kami tinatakpan niya ng towel ang mukha ko.

Judge: Ikaw Mister bakit mo ginawa yun?

Mister: No comment your Honor. Just see for yourself.

Misis: (Nagalit at ihinarap ang mukha sa Judge) See bastos talaga ang taong yan.

Judge: (Habang nakatingin kay Misis.) Annulment petition granted. Ikaw naman lalaki, bakit ngayon ka lang nagfile ng annulment? Ang tiyaga mo.

Common Sense

Isang bata, nagpasa ng blank paper sa art teacher...

Teacher: Bakit blank ang work mo?

Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo.

Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang damo?

Bata: Ubos na po,kinain ng baka.

Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan yong baka?

Bata: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo?

syempre umalis na po.

Common sense naman mam!

Matapang feat. Juan at Pedro

Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo,

tumalon sa eroplano nang walang parachute!

Juan: Ohh, totoo?

Saan mo naman nabalitaan yan?

Pedro: Dun sa burol nya!

Ulam feat. Juan at Pedro

Pedro: Alam mo, yung pusa namin,

kahit nakalagay sa lamesa at walang takip

ang ulam namin, hindi kinakain!

Juan: Maniwala ako?! Pedro: Totoo!

Juan: Ano ba ang ulam nyo?

Pedro: Asin!

Spanish feat. Juan at Pedro

Juan: Tanungin mo ako ng English, sasagutin kita ng Spanish.

Pedro: What is more important? Heart or Mind?

Juan: Spanish!!!

Panglima feat. Erap at Jinggoy

Jinggoy: Dad, pang ilang Tirso Cruz na si Tirso Cruz III?

Erap : (natawa) Trick question ba yan anak?

Eh, di pang-lima,

kaya nga PIP ang tawag sa kanya, di ba?

Ang Uwak feat. Juan

Teacher: Juan i-english mo eto.

Juan: Wat mam?

Teacher: "Ang uwak ay hinang-hinang nglakad"

Juan: "The wak wak weak weak wok wok..."

Maka-Diyos

Dad: Mabait ba ang boyfriend mo?

Anak: Yes, Daddy.

Daddy: Maka-Diyos?

Anak: Sobra Dad.

Daddy: Nasaan siya?

Anak: Nandoon sa simbahan, nagmimisa!